Meat dealers dumidiskarte para makasunod sa itinakdang price ceiling

Marami ang umangal na magbababoy nang itakda ng Department of Agriculture sa 270 piso ang price ceiling sa kada kilo ng kasim at pigi, at 300 piso naman sa liempo.

Si Ricardo Chan na presidente ng Manila Meat Dealer Association, kung saan-saan na naghanap ng mapagkukuhanan ng baboy na mababa ang presyo.

May nakausap siya na ahente na 180 piso ang benta sa kada kilo ng buhay na baboy, o iyung tinatawag na farm gate price.

Dahil kailangan makasunod sa price ceiling, nagtitiyaga ang mga meat dealer na maghanap ng mababang farm gate price.

Isasama pa riyan ang gastos sa toll ng truck, krudo, maintenance ng truck, permit, suweldo at pagkain ng drayber at pahinante, gayundin sa mga tagabuhat ng baboy at bayad sa carwash at disinfection ng truck sa mga bayan na dadaanan. Umaabot din sa higit 10,000 piso ang dagdag-gastos na ito.

Ipapakatay pa ito sa slaughter house kaya aabot na sa 240 piso ang puhunan ng mga magtitinda.

Source: Marami ang umangal na magbababoy nang itakda ng Department of Agriculture sa 270 piso ang price ceiling sa kada kilo ng kasim at pigi, at 300 piso naman sa liempo. Si Ricardo Chan na presidente ng Manila Meat Dealer Association, kung saan-saan na naghanap ng mapagkukuhanan ng baboy na mababa ang presyo. May nakausap siya na ahente na 180 piso ang benta sa kada kilo ng buhay na baboy, o iyung tinatawag na farm gate price. Dahil kailangan makasunod sa price ceiling, nagtitiyaga ang mga meat dealer na maghanap ng mababang farm gate price. Isasama pa riyan ang gastos sa toll ng truck, krudo, maintenance ng truck, permit, suweldo at pagkain ng drayber at pahinante, gayundin sa mga tagabuhat ng baboy at bayad sa carwash at disinfection ng truck sa mga bayan na dadaanan. Umaabot din sa higit 10,000 piso ang dagdag-gastos na ito. Ipapakatay pa ito sa slaughter house kaya aabot na sa 240 piso ang puhunan ng mga magtitinda.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.