Consumers umangal sa nakaambang taas-singil sa ATM transactions

Todo-higpit ng sinturon ang maraming Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at iba pang epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa.

Kaya umaaray na agad ang ilang mamimili nang malaman na magtataas na rin ng singil ang ilang bangko para sa kanilang ATM transactions.

Simula kasi Abril 7, nasa 10 hanggang 18 piso na ang singil kada withdrawal transaction, habang ang balance inquiry naman ay 1.50 hanggang 2 piso na, kung ang terminal ay hindi sa iyong bangko.

Mananatili namang libre ang ATM transactions kung makina ng bangko mo ang gagamitin.

Hinaing ni Camill Gomez, consumer, “Medyo mabigat na rin po lalo na ngayon pandemic po ngayon, crisis, so ‘yung 18 piso po ngayon puwede na pamasahe sa bus pauwi galing sa trabaho.”

Depensa naman ng Bankers Association of the Philippines, makakatulong ang mas mataas na fees para mapalawak at mas mapabuti ang ATM services sa bansa.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/10/21/consumers-umangal-sa-nakaambang-taas-singil-sa-atm-transactions

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.