CEO ng travel agency na-trauma matapos looban ang kaniyang Cubao condo

Viral ang post ng CEO ng isang travel agency matapos pasukin ng mga magnanakaw ang kanyang condo unit sa Cubao.

Ayon kay Angely Dub, CEO ng Access Travel and Tours, aalis na muna siya ng bansa dahil sa takot matapos ang nangyari.

Noong isang linggo ay kumalat sa social media ang posts ni Dub kung saan idenetalye niya ang nangyaring pagnanakaw sa kaniyang condo unit, na inakala niyang ligtas at may maayos na seguridad.

Nakasaad sa post ang mga reklamo ni Dub laban sa Amaia Skies Cub condo, lalo’t wala raw CCTV sa hallway ng condo, na pinaniniwalaan sana niyang makakaresolba sa kaso.

Mas natakot pa siya dahil nang pumunta siya sa condo, nakita niya na ang kanyang mga underwear ay nasa kusina na at may mga upos ng sigarilyo.

Nasa mahigit isang milyon piso daw ang nawala sa kanyang condo, kabilang ang mga camera na ginagamit niya sa vlog at ang kanyang drone, kasama ng iba pang alahas.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/11/21/ceo-ng-travel-agency-na-trauma-matapos-looban-ang-kaniyang-cubao-condo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.