DepEd may online tutorial para sa mga kailangan ng tulong sa modules

May online tutorial program na alok ang Department of Education para sa mga magulang at estudyanteng nangangailangan ng gabay sa mga learning module habang nagpapatuloy ang distance learning ngayong COVID-19 pandemic.

Ito ang ETULay, mga serye ng mga educational video na ipinalalabas sa Facebook live sa DepEd Philippines page araw-araw. Dito, ipinapakita ang iba’t ibang aralin para sa Kinder hanggang Grade 12.

Hawak ito ng Educational Technology Unit, na nakapailalim sa Information and Communications Technology Service office ng ahensiya.

Ayon sa ICTS, may average na 500,000 views ang kada session ng programa simula nang ilunsad ito nitong Enero 4. Pinakamataas na naitala ang 1.2 million views para sa isang session.

Layon nitong tugunan ang mga hamong kinakaharap sa distance learning, ayon kay ICTS director Abram Abanil.

Aniya, “Ito iyong attempt namin to address iyong mga naririnig namin na problems.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/11/21/alamin-deped-may-online-tutorial-para-sa-mga-kailangan-ng-tulong-sa-modules

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.