Colorum na ‘pasabay’ service paprobinsiya naglipana sa social media

Pampanga na lang ang natirang probinsiya na may biyahe pa sa Araneta City Bus Station sa Quezon City, na kilala sa malalayong ruta sa southern Luzon at Visayas.

Kaya naman ang ilang pasahero na pa-Tarlac, napipilitang bumaba sa bayan ng Dau sa Pampanga, at maghanap ng ibang sasakyan.

Dahil dito, ang ibang pasahero papuntang probinsiya ay sa social media pa nakahanap ng masasakyan mula sa mga colorum. Ang iba, may alok pang sasagutin na rin nila ang travel documents ng biyehero.

Depende sa layo ang presyo, pero mas mahal ito kaysa sa pagsakay ng bus. Aabot ng 1,000 piso ang biyahe pa-Pangasinan, samantala, nasa 1,500 piso naman para sa day trip papuntang Bicol.

Sa labas lang ng Araneta City Bus Station at sa paligid ng isang mall ang meet-up location. Ang naglilipanang “pasabay service” na ito ay ikinabahala ng manager ng bus station na si Ramon Legazpi. Aniya, “It’s not really safe.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/10/21/colorum-na-pasabay-service-paprobinsiya-naglipana-sa-social-media

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.