Davao nag-simulation na ng magiging biyahe ng COVID-19 vaccine

Nagsagawa na ng simulation ang Davao City para sa pagdating at paghahatid ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ang Cebu at Davao City ang tatanggap ng “sobrang” bakuna ng Metro Manila para sa mga health frontliner.

Sinimulan ang simulation sa Davao City International Airport. Mula sa eroplano, inilipat ang mga ‘bakuna’ patungo sa refrigerated van. Ibiniyahe ang mga ito at sinigurong hindi maaantala sa trapiko sa daan.

Sa Southern Philippines Medical Center sumunod na dinala ang mga ‘bakuna,’ at ipinasok sa freezer. Mula sa pag-unload hanggang maipasok sa freezer, inabot ng 34 minuto at 58 segundo ang biyahe, na maaaring hindi sapat para sa mga bakuna na kailangan ng temperature storage na -80 degrees Celsius, gaya ng sa Pfizer.

Ani Dr. Raquel Montejo ng DOH Davao Region, “May discussion at the national level na kung more than 30 minutes ‘yung total time allotted, magtataas ang temperature to negative 60 o 10 degrees higher.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/10/21/davao-cebu-city-nag-simulation-na-ng-magiging-biyahe-ng-covid-19-vaccine

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.