Chinese New Year Charity Bazaar, idinaos sa Manila

Idinaos noong Pebrero 12 sa SM Aura ang Charity Bazaar para ipagdiwang ang Spring Festival o Chinese New Year.

Dumalo sa aktibidad sina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Maria Lourdes Locsin, Tagapangulo ng International Bazaar Foundation at iba pang mga panauhin.

Ang aktibidad ay itinaguyod ng Embahadang Tsino, kasama ng IBF, at ang lahat ng mga kinikita sa aktibidad ay ibibigay sa IBF para gamitin sa mga charity activity.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Embahador Huang ang pagbati ng Spring Festival kina Ginoong at Ginang Locsin, lahat ng mga kalahok, mamamayang Tsino sa Pilipinas at overseas at ethnic Chinese sa lokalidad.

Umaasa aniya si Huang na sa pamamagitan ng charity bazaar, ibabahagi ang kaligayahan at suwerte ng Spring Festival, at ipapakita ang determinasyon ng Tsina at Pilipinas na magkasamang pagtagumpayan ang COVID-19.

Source: http://filipino.cri.cn/20210213/9934c8ac-1974-9bc8-7452-4d2427b3a72a.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.