‘Kahit grocery, bigas na lang’: Gov’t health workers nagmamakaawa ng allowance

Sa administrative order ng Department of Health, inaatasan ang mga pasilidad, pribado man o pampubliko, na bigyan ang mga health worker ng accommodation, transportation, at pagkain.

Sa Bayanihan 2 law galing ang budget kaya saklaw nito ang mga buwan mula Setyembre hanggang Disyembre 2020.

Nasa 2,200 piso ang rate o budget kada health worker na nasa NCR, Calabarzon at Mimaropa, habang 1,500 hanggang 1,800 piso naman sa iba pang rehiyon.

Pero ayon sa mga health worker, hindi nila napakinabangan ito dahil may mga ospital na Disyembre 29 na umano nabigyan ng pondo.

Kaya pagmamakaawa ng ilan, kahit bigas at iba pang grocery items ay tatanggapin na nila maibigay lang ano kanilang nararapat na benepisyo.

Giit ni Bonifacio Carmona, national officer ng Alliance for Health Workers, “Kung ayaw nila ibigay nang cash, i-convert na lang sa bigas at grocery para makatulong naman sa amin na health workers.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/04/21/kahit-grocery-bigas-na-lang-govt-health-workers-nagmamakaawa-ng-allowance

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.