DILG: Ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna

Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na mag-imbita ang mga LGU ng mga doktor para sumama sila sa barangay assemblies at ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna.

Tiniyak naman ng Food and Drug Administration at ng DILG na lahat ng bakunang aaprubahan ng FDA ay ligtas at epektibo.

Ani Malaya, “People should be vaccine-neutral. Lahat ng bakuna na aaprubahan ng FDA ay safe and effective…How do we bring that to the people? We will be able to bring that with the help of the local government unit.”

Dagdag niya, “The problem is not insurmountable. We have the resources to be able to increase vaccine confidence. We are confident by the time i-roll out natin itong bakuna, kahit anong bakuna ‘yan, ay magpapabakuna ang ating kababayan.”

Plano naman ng Pasay city na paigtingin pa ang information campaign nito sa mga barangay at sa social media.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/05/21/dayalogo-ng-lgu-barangay-iminungkahi-para-mapalakas-ang-kumpiyansa-sa-bakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.