Mas mabilis na pagproseso sa unang batch ng COVID-19 vaccine ipatutupad ng Customs

Mas maikling proseso ang gagawin ng Bureau of Customs sa pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines sa bansa sa susunod na linggo, ayon sa isang opisyal nito ngayong Martes.

Ayon kay Customs spokesperson Vincent Philip Maronilla, “Mas maikli po. Kasi, dito po, i-a-apply namin yung tinatawag na pre-arrival processing.”

Sinabi ni Maronilla na Pfizer at AstraZeneca ang inaasahang darating mula sa COVAX Facility.

Aniya, “Ang alam namin, between 17,000 to 20,000 doses yung initial batch na darating. At sunod-sunod ‘yan hanggang maubos yung ilang thousands of doses na ipinangako sa atin for this initial batch.”

Patuloy silang nakikipag-ugnayan hinggil sa pinakahuling estimated arrival schedule at flight details ng mga nasabing bakuna.

Hindi aniya dadaan sa normal lanes ang mga kargamento, at sa rampa sa tarmac pupunta ang Customs officials. Hindi rin nila ito bubuksan o idadaan pa sa X-ray.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/09/21/mas-mabilis-na-pagproseso-sa-unang-batch-ng-covid-19-vaccine-ipatutupad-ng-customs

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.