Senior high students, mauuna sakaling ibalik ang face-to-face classes

Posibleng mauna ang mga senior high school student na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno, sabi ng Department of Education.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, patuloy ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ani San Antonio, “Naniniwala kami na iyong mga senior high school learners, lalo na sa (technical vocational track), ay pwedeng maging priority.”

Dagdag niya, “Hindi rin sila kailangang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan.”

Noong Enero, magdaraos dapat ng dry run para sa limited face-to-face classes sa ilang paaralan pero pinatigil ito ng Pangulo dahil sa banta ng bagong variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/09/21/senior-high-students-mauuna-sakaling-ibalik-ang-face-to-face-classes

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.