Nakalatag na ang protocols para sa UST students na magbabalik-eskuwela

Bago magbalik-eskuwela ang medical students ng University of Santo Tomas, sasailalim muna sila sa quarantine at ipapa-swab test ng unibersidad.

Sa medical information center, may isang interactive cadaver na kapalit ng aktuwal na cadaver na karaniwang ginagamit.

Puwede iyong gamitin ng mga pupunta sa klase habang sabayang ipinapakita sa online classes.

Ani Ma. Lourdes Domingo-Maglinao, dekano ng UST Faculty of Medicine and Surgery, “This represents the human body. Lahat ng organs nandiyan. We can dissect, from the skin down to all the organs of the body.”

Aniya, hindi sapilitan ang pagbabalik-eskuwela.

Para matiyak ang physical distancing, lilimitahan ang mga estudyanteng papasok sa skills area o kung saan hinahasa ang practical skills ng mga future doctor. Hindi sabay-sabay papasok ang mga estudyante at 2 o 3 beses lang kada linggo pupunta ng UST.

Hanggang 480 doktor ang napo-produce ng UST kada taon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/04/21/protocols-para-sa-ust-students-na-magbabalik-eskuwela-nakalatag-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.