Mga plano sa pagdadala sa mga liblib na lugar ng COVID-19 vaccine inilatag

Naglatag na ng plano ang dalawang malalaking cold storage at medical logistics company sa pagdadala ng mga COVID-19 vaccine sa mga siyudad at malalayong bayan.

Ang alok ng Royal Cargo ay ang paglilipat mula pagdating sa airport, pag-iimbak, pagbiyahe, at pag-aayos ng bakuna sa mga vaccination hub hanggang reverse logistics o pagligpit sa mga nasira o hindi nagamit na bakuna.

Sabi ni Royal Cargo President Elmer Sarmiento, “Kahit anong volume ang ide-deliver, mayroon po kaming truck para doon kaya ‘yung trak na ‘yun kung ano man volume na darating, ‘yun po ang ipapadala namin sa airport para po tatanggap doon sa mga vaccines, puwede na po itong dumiretso sa mga vaccination centers.”

Sa Metro Manila at mga regional center, madali lang ang proseso dahil may mga malalapit na paliparan. Pero sa mga liblib na lugar, may diskarte umano kung paano maipaabot ang bakuna sa mga dapat bakunahan.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/05/21/mga-plano-sa-pagdadala-sa-mga-liblib-na-lugar-ng-covid-19-vaccine-inilatag

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.