Mababang singil sa kuryente, asahan ngayong Pebrero

Inihayag ni Manila Electric Company Spokesperson Joe Zaldarriaga na asahan ang pagkakaroon ng mas mababang singil ng kuryente ngayong Pebrero na kanilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw ang magiging bagong power rate.

Hinggil naman sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang putulan ng kuryente ang mga low-income consumers na hindi naman lumalagpas sa 100 kilowatt-hours ang konsumo, sinabi mg Meralco na ito ay yaong mga consumer na nasa 1,000 piso pababa ang bill.

Aniya, ang mga kostumer na higit 100 kilowatt-hours ang konsumo at di pa rin nakakabayad ay makakatanggap na ng disconnection notice.

Gayunman, sinabi ng Meralco na maaari naman aniya itong hanapan ng paraan at ang kinakailangan lamang gawin ay kausapin ang kompanya.

Muli ring ipinaliwa­nag ng opisyal ng kompanya na ang 70% ng bayarin ng consumers ay napupunta sa supplier at hindi sa Meralco.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/08/2076136/mababang-singil-sa-kuryente-asahan-ngayong-pebrero

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.