11 modern jeep hinuli dahil sa ilegal na pamamasada sa Commonwealth

Hinuli ng mga awtoridad ang 11 modern jeep dahil sa pamamasada kahit ipinagbabawal pa sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Pinuntirya ang mga sasakyang ito ng mga tauhan ng Inter-Agency Council For Traffic sa kanilang anti-colorum operation.

Ayon sa i-ACT at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kasama sa operasyon, may provisional authority na ang mga modern jeep na ito para sa ruta.

Pero hindi pa rin sila makabibiyahe dahil kailangan pa nilang mag-apply para sa QR code na nilalagay sa sasakyan. Ang QR code ang magpapatunay na aprubado ang ruta.

Sa ngayon, mga bus pa lang ang pinapayagang pumasada sa Commonwealth.

Bukod sa wala pang permiso na pumasada, nahuli pa ang isang modern jeep na hindi naka-face mask ang konduktor.

Katuwiran ng isang drayber, hindi niya alam na kailangan pa ang QR code para makabiyahe.

Diretso impound ang mga sasakyan.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/08/21/11-modern-jeep-hinuli-dahil-sa-ilegal-na-pamamasada-sa-commonwealth

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.