50-70 milyon Pinoy target mabakunahan hanggang Disyembre: vaccine czar

Nasa 50 hanggang 70 milyon ang target na mabakaunahan hanggang Disyembre, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

Ayon kay Galvez, target ng gobyerno na makapagbakuna ng 70 hanggang 80 milyon para makamit ang “herd immunity.”

Aabot sa 10 milyon dose ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng COVAX Facility ang inaasahang darating sa Pilipinas hanggang Marso. Kasama umano rito ang 117,000 dose ng Pfizer vaccine na inaasahang dadating sa Pebrero.

Tiniyak naman ni Galvez na aayusin din ang data integration sa pagitan ng mga local government unit at pribadong sektor para hindi madoble ang pagbibigay ng bakuna.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health na walang bibilhing bakuna ang gobyerno na makakasama sa kalusugan ng publiko.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagdadalawang-isip ng ilan hangga’t hindi anila naipapaliwanag nang husto kung paano ginawa ang COVID-19 vaccine at ang epekto nito sa tao.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/07/21/50-70-milyon-pinoy-target-mabakunahan-hanggang-disyembre-vaccine-czar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.