53 bansa, tumanggap ng bakuna kontra sa COVID-19 mula sa Tsina

Ipinahayag noong Pebrero 8 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may balak ang Tsina na ipagkaloob ang walang bayad na bakuna kontra sa COVID-19 sa 53 umuunlad na bansa. Samantala, iniluluwas o iluluwas din ang bakuna sa iba pang 22 bansa.

Sinabi ni Wang na suportado ang Tsina sa kooperasyon ng mga kompanyang Tsino at kompanyang dayuhan sa pananaliksik at paggagawa ng bakuna. Para sa mga bansa na kailangan ng bakuna o naaprobahan na ang pangkagipitang paggamit ng bakuna ng Tsina, suportado ang Tsina sa pagluluwas ng bakuna sa kanila.

Sinusuportahan at tinutulungan din ng Tsina ang mga kompanyang dayuhan na ginagawa ang bakuna sa loob ng Tsina.

Source: http://filipino.cri.cn/20210209/cbfaf668-c30d-94ef-2b17-e83c36412822.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.