‘Kahit grocery, bigas na lang’: Gov’t health workers nagmamakaawa ng allowance

Nagprotesta ang ilang health workers mula sa tatlong government hospitals dahil sa pagkaantala umano ng kanilang mga allowance.

Payag na sila kahit idaan ito sa mga gift check, vouchers, o grocery items, imbes na cash, basta’t maibibigay agad-agad ang kanilang benepisyo. Wala pang tulog at kain ang ilan, pero lumabas sa kalsada ang mga health workers ng National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center, at Lung Center of the Philippines. Ilang buwan na raw kasing atrasado ang kanilang allowance.

Ang nursing attendant na si Eva de Guzman, 33 taon na sa serbisyo, pero masama ang loob dahil tila nagmamakaawa pa siya para sa allowance na pinangako sa kanila.

Hinaing ni de Gizman, “Bulacan ako umuuwi, may trapik, walang biyahe… Hindi kami uma-absent, walang undertime, recall, pasok… Hangga’t may pasyente, serbisyo. Kaya ‘yung para sa amin dapat ipagkaloob, ‘wag ipagdamot.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/04/21/kahit-grocery-bigas-na-lang-govt-health-workers-nagmamakaawa-ng-allowance

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.