Umano’y open dumpsite na pagmamay-ari ng bayan ng Santa Ana ipinasara

Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources ang isang open dumpsite sa bayan ng Santa Ana, Pampanga na pagmamay-ari umano ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ginamit umanong open dumpsite ang pasilidad kahit pa man ang permit na kinuha ng LGU ay para sa materials recovery facility.

Sa ilalim ng Republic Act 9003, ipinagbabawal na ang pagkakaroon ng open dumpsite.

Taong 2018 nang bigyan ng notice of violation ang lokal na pamahalaan, ngunit wala itong naging aksiyon kaya ipinasara at binigyan ng closure order.

Ani Antiporda, “It’s about 2 hectares ‘yung ginagamit na open dump site. Ngayon more or less mga 4 hectares na siya…We will file a case against the mayor.”

Matagal na rin umanong inirereklamo ang dumpsite ng mga residenteng nakatira malapit dito. Perwisyo anila ito dahil sa banta sa kanilang kalusugan dala ng hindi kanais-nais na amoy.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/05/21/umanoy-open-dumpsite-na-pagmamay-ari-ng-bayan-ng-santa-ana-ipinasara

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.