Naghahanda ang Caloocan sa pagbakuna kontra COVID-19

Sa Caloocan City, isang milyon sa 1.7 million na residente ang target na bakunahan kontra COVID-19. Mahigit 336,000 dito ay nasa Priority Group A tulad ng mga health worker, mahihirap na senior citizen, at uniformed personnel.

Naghanda ang lokal na pamahalaan ng 54 na vaccination sites, pero aminado itong kulang pa ang bilang ng mga magbabakuna.

Base sa standards ng Department of Health, 481 dapat ang vaccinators ng Caloocan, pero sa ngayon nasa 165 pa lang ito. Ongoing naman ang recruitment para sa mga magbabakuna.

Nakikipag-usap din si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa mga lider ng simbahan, at nananawagan sa mga volunteer para madagdagan ang kanilang vaccinators, pati ang vaccination sites.

Base sa survey ng higit 13,000 na residente ng siyudad, 95 porsyento ang gustong magpabakuna kontra COVID-19. Nasa 600,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang bibilhin ng Caloocan City government.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/health-workers-sa-covid-19-referral-hospitals-prayoridad-sa-bakunang-gawa-ng-pfizer

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.