Pabillo, panawagan ang pagpapaigting sa page-ebanghelyo sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa importansya ng page-ebanghelyo ng mga Kristiyano bilang serbisyo sa kanilang kapuwa, ngayo’t ipinagdiriwang ang ika-500 taon ng pagkakatatag ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Dinala ang Kristiyanismo sa bansa ng mga Kastila noong 1521.

Ginanap ang misa para sa selebrasyon sa Manila Cathedral, at pinangunahan nina Bishop Broderick Pabillo, ang Apostlic Administrator ng Maynila, at Archbishop Charles Brown, ang Apostolic Nuncio sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Bishop Pabillo ang mga Kristiyano na kumilos para ibahagi ang pananampalatayang nagiging gabay nila sa buhay.

Nanawagan siya sa lahat na lumabas sa kani-kanilang “comfort zone” dahil marami ang oportunidad ngayon para maipamahagi ang Salita ng Diyos.

Ani Pabillo, “Pope Francis calls us to go out from the maintenance road and go to the missionary goal… Let us learn to bring God’s word in the world of the internet.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/06/21/pabillo-panawagan-ang-pagpapaigting-sa-page-ebanghelyo-sa-ika-500-taon-ng-kristiyanismo-sa-bansa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.