Mga naghahanap ng trabaho sa Jobstreet lumobo sa 5 milyon kada linggo

Napurnada ang pag-a-abroad ni Emily Dacuma, nalugi ang tindahan niya, at patong-patong ang bayarin dahil sa pandemya kaya matindi ang hirap niya lalo’t may tatlo siyang anak. Ngayon, magkakasama silang naghahanap ng trabaho.

Aniya, “Pambayad sa utang, sa bahay, kuryente, tubig. Napakalaki ng tubig namin kaya kailangan ko ring kumita.”

Ayon sa Jobstreet Philippines, bago mag-pandemic noong isang taon ay 3 milyon kada linggo ang bumibisita sa kanilang website. Pero ngayon, sumipa na ito sa 5 milyon kada linggo.

Ang masaklap, 75 percent ng mga job vacancies ang nawala dahil sa lockdown at nadagdagan lang ito sa mga huling buwan ng 2020.

Ngayong 2021, inaasahan ang unti-unting pagbabalik ng mga trabaho dahil sa posibleng pagluluwag ng community quarantine.

Magsasagawa ang Jobstreet ng isang virtual career fair sa Pebrero 17 hanggang 21. Kailangan lang may Jobstreet account para ma-access ang nasa 55,000 na trabaho.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/05/21/mga-naghahanap-ng-trabaho-sa-jobstreet-lumobo-sa-5-milyon-kada-linggo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.