Pagbaba ng bisa ng AstraZeneca vaccine, ikinababahala — WHO

Sa regular na preskong idinaos noong Lunes, ika-8 ng Pebrero, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization, na ang pagbaba ng bisa ng bakuna ng AstraZeneca laban sa naiulat na variant ng coronavirus sa Timog Aprika, ay isang “nakakabahalang impormasyon.”

Ipinahayag din ng Direktor-Heneral ng WHO na sa loob ng darating na ilang araw, magpapasya ang WHO kung ilalagay o hindi ang bakuna ng AstraZeneca sa Emergency Use List. Ito ay makakaapekto sa pagsama o hindi ng bakunang ito sa COVAX upang ipagkaloob ang mga bakuna sa mas maraming mamamayan ng mga umuunlad na bansa.

Ang COVAX ay kapwa pinamunuan ni Gavi, ang Coalition for Epidemic Preparedness Innovations at WHO. Ang layunin nito ay upang mapabilis ang pagbuo at paggawa ng mga bakuna sa COVID-19, at masiguro ang patas at pantay na pag-access para sa bawat bansa sa mundo.

Source: http://filipino.cri.cn/20210209/f11716de-f00f-74f1-c0d6-7daec78d8510.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.