Dayalogo ng LGU, barangay iminungkahi para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna

Wala pa sa kalahati ng populasyon ng Pasay City ang gustong magpabakuna kontra COVID-19.

Iyan ay base sa pakikipag-usap nila sa barangay leaders ng siyudad, ayon kay Pasay assistant city health officer Dr. Maria Lourdes San Juan.

Ilan sa mga tinukoy na dahilan ang mga nababasa sa social media kaugnay ng negatibong side effects ng bakuna, at ang Dengvaxia controversy.

Ani San Juan, “Less than 40 percent ang gusto magpabakuna. Ang initial reaction nila, because of mga nababasa nila…sa social media na nakasira ng confidence sa vaccine. Nasira ang vaccine confidence because of the previous experience.”

Payo ng Department of Health, magsagawa ng dialogue sa pagitan ng lokal na pamahalaan o barangay officials at mga residente para masagot ang mga agam-agam sa bakuna kontra COVID.

Nakipag-ugnayan na umano ang ahensya sa mga organisasyon ng doctors, nurses, at pharmacists para tumulong sa information campaign.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/05/21/dayalogo-ng-lgu-barangay-iminungkahi-para-mapalakas-ang-kumpiyansa-sa-bakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.