Milk tea shop sa Muntinlupa, nabiktima ng ‘budol-budol’

Nabiktima ng pambubudol ang isang milk tea shop sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Sa kuha ng CCTV ng tindahan, tila napadaan lang ang salarin sa harap ng tindahan sa Manuel Quezon Street kung saan nakabantay ang dalagang tindera.

Nagpakilalang delivery boy ang lalaking si “Jomari” at nagsabing maniningil ng 3,500 piso bilang bayad para sa hinatid niyang powder ng inumin.

Humingi siya ng papel sa babae para sulatin ang umano’y utang pero sinabing iabot na lang ng tindera kung ano lang ang kayang bayaran.

Umabot ng 660 piso ang tinangay ni “Jomari” na laman ng kaha pagkatapos ng apat na minuto.

Ilang minutong nakalipas saka naisip ng attendant na tawagan ang amo para ipaalam ang nangyari.

Sabi ng may-ari na si Vicson Villadares, na-trauma ang tindera sa pambubudol lalo’t kapapasok lang nito sa trabaho. Buti na lang aniya matumal ang benta nila noong araw na iyon kaya kaunti lang ang nakuhang pera.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.