CMG 2021 Spring Festival Gala, pinanood ng 1.14 bilyong tao

Sa bisperas ng Bagong Taong Tsino o Spring Festival, isinahimpapawid noong Huwebes, ika-11 ng Pebrero, ng China Media Group ang 2021 Spring Festival Gala.

Kasabay ng pagdiriwang sa pinakamahalagang tradisyonal na kapistahang Tsino, ipinakita rin ng mga palabas ang mga natamong bunga ng Tsina nitong isang taong nakalipas sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas, pagpawi ng karalitaan, paglaban sa pandemiya ng COVID-19, at mga iba pang aspekto.

Ayon naman sa inisyal na estadistika, hanggang noong hatinggabi, pinanood ang naturang programa ng 1.14 bilyong tao, na kinabibilangan ng 571 milyon sa telebisyon, at 569 milyon sa pamamagitan ng PC, tablet, at mobile phone.

Samantala, isinahimpapawid din ang Spring Festival Gala sa mahigit 600 media ng mahigit 170 bansa at rehiyon ng daigdig, at sa mga pandaigdigang online platform na gaya ng Youtube at Facebook.

Source: http://filipino.cri.cn/20210212/9a395885-56a4-509f-dda1-496c8c3a3fe1.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.