Investment scheme founder na nakatangay daw ng P3 bilyon timbog

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang founder ng One Dream Global, isa umanong kompanyang pasimuno ng pekeng investment scheme.

Kinilala ang suspek na si Arnel Gacer, na may warrant of arrest dahil sa kasong syndicated estafa. Bukod kay Gacer, naaresto rin ang kanyang dalawang bodyguard.

Taong 2015 nang makasuhan ng syndicated estafa si Gacer matapos ireklamo ng kanyang 14 na investor mula sa Lipa City.Pinangakuan umano sila ni Gacera na ang 888 piso nilang puhunan ay magiging 1,444 piso sa loob lang ng apat na araw.

Kalaunan ay umabot daw sa mahigit 3,000 ang kanyang naging investors pero ipinasara ang negosyo dahil sa kasong pandarambong.

Ayon Kay National Capital Region Police Office director Brigadier General Vicente Danao, tinatayang aabot sa tatlong bilyon piso ang nakulimbat ni Gacer mula sa mga biktima.

Ani Danao, “This is a pyramiding scheme.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/04/21/investment-scheme-founder-na-nakatangay-daw-ng-p3-bilyon-timbog

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.