Belmonte: Cha-cha wala sa timing, ayon sa ilang metro mayors

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nahaharap muli sa maling pagkakataon ang pagsusulong ng Cha-cha.

Ani Belmonte, “Sana kung may tunay na Charter change, sana sa simula pa lang ng term ng Pangulo i-bring up ito para mawala ang agam-agam o kaya ‘yung mga suspicions ng taong bayan… Kaya laging nahihirapan isulong ang Charter change because of the timing.”

Si Belmonte ay anak ni dating House Speaker Sonny Belmonte na isa rin sa mga nagsulong ng proposed economic provisions amendment sa 1987 Constitution noon pero nabigo.

Bukas naman umano ang mayora na buksan ang usapin sa Cha-cha sa tamang panahon.

Aniya, “I see the sense in economic Charter change especially during these times when we need to recover economically but within certain bounds or limit.”

Lusot na sa House Committee on Constitutional Amendments ang resolusyon para amyendahan ang ilang economic provisions ng 1987 Constitution.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/cha-cha-nahaharap-sa-maling-timing-ayon-sa-ilang-metro-manila-mayors

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.