Embahador Tsino sa Pilipinas, bumati ng Happy Chinese New Year sa mga kababayang Tsino sa Pilipinas

Ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas ang pagbati ng Happy Chinese New Year sa mga kababayang Tsino sa Pilipinas.

Idinaos Biyernes, ika-5 ng Pebrero, sa Embahadang Tsino ang aktibidad ng pamimigay ng “Spring Festival Bag” o regalo para sa Chinese New Year. Inabot ni Embahador Huang ang mga “Spring Festival Bag” sa mga kinatawan ng estudyanteng Tsino na nag-aaral sa Pilipinas, kumpanyang Tsino at mga overseas and ethnic Chinese sa Pilipinas.

Sinabi ni Huang na ang Spring Festival ay pinakamahalagang pesitibal para makapiling ang mga pamiliyang Tsino at puno ang “Spring Festival Bag” ng pagmamalasakit at pangungumusta ng pamahalaang Tsino sa mga kababayang Tsino sa ibayong dagat.

Umaasa aniya siyang madadama ng mga kababayang Tsino sa Pilipinas ang pagbati ng inang-bayan at mga kamag-anak at makakapagdaos ng isang ligtas, masaya at masuwerteng spring festival.

Source: http://filipino.cri.cn/20210206/d1428145-902e-1853-b720-bd2c1229f403.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.