Dapat bang mag-face mask ang mga nabakunahan, gumaling vs COVID-19?

Inaasahan na ngayong Pebrero darating ang nasa isang milyong doses ng COVID-19 vaccine – at unang matuturukan ang mga medical frontliner alinsunod sa ikinasang vaccination progam ng gobyerno.

At dahil lumalabas sa mga pagsasaliksik at pagsusuri na malakas ang tsansang mapoprotektahan ang mga taong mababakunahan mula sa coronavirus disease transmission, dapat na rin bang hindi na gumamit ng face mask kapag lumalabas?

Paalala ng doktor, mas mabuti pang magsuot ng face mask kahit na nabakunahan na at kahit makamit na ng Pilipinas ang target na herd immunity.

Ayon sa Internal Medicine specialist na si Dr. Paulo Miguel Borja, hindi pa kasi kumpleto ang pag-aaral tungkol sa bakuna sa ngayon.

Ani Borja, “‘Yung ibang data natin ay hindi pa nakukumpleto, especially sa asymptomatic transmission o pagpapasa-pasa ng COVID infection itself. So habang hindi pa klaro ‘yon better pa ring mag-mask.”

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/02/04/21/dapat-bang-mag-face-mask-ang-mga-nabakunahan-gumaling-vs-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.