Magnanakaw, magbebenta, bibili ng takip ng manhole mapaparusahan

Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga magnanakaw ng takip ng mga manhole sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, may mga naiuulat din silang mga nagnanakaw ng mga manhole at ibinebenta ang mga ito sa mga junk shop.

Kasong theft at paglabag sa Anti-Fencing Act ang kakaharapin ng mga mahuhuling nagnanakaw at nagbebenta ng manhole at steel plate. Pananagutin din ang mga junk shop na tatanggap ng mga ito.

Plano ng MMDA na dagdagan ang mga tauhan na nagmamando sa mga pangunahing kalsada kapag gabi para mahuli ang mga nagnanakaw ng mga manhole, ayon kay Mike Salalima, chief of staff ng MMDA.

Paalala pa ng MMDA, kung masira o manakaw ang takip ng manhole ay dapat agad itong palitan ng mga kompanyang nagmamay-ari nito.

Ani Salalima, “Dapat may maintenance sila at agad na ma-replace yung mga nasira o nanakaw.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/magnanakaw-magbebenta-bibili-ng-takip-ng-manhole-mapaparusahan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.