Tiangco: Cha-cha wala sa timing, ayon sa ilang metro mayors

Naniniwala ang ilang alkalde sa Metro Manila na hindi pa napapanahon para pag-usapan ang panukalang pag-amyenda sa ilang economic provisions ng Konstitusyon habang abala umano ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, mas pipiliin pa ng mga alkalde na ituon ang atensyon sa mga hakbang para matigil ang pagkalat ng COVID-19 at tulungan ang mga nasasakupan na makabangon sa krisis.

Saad ni Tiangco, “Kung iaaasa sa amin ‘yan, we don’t have time to even talk about it and to even think or to even read materials that they will send to us. I will be very honest, hindi kaya. Sa Navotas, hindi ko kaya. Ako bilang mayor, hindi ko na kayang isipin ‘yan sa panahon ngayon.”

Aminado ang alkalde na dati na rin siyang kumontra sa Cha-cha noong kongresista pa siya.

Bukas naman daw si Tiangco na pag-usapan ang Cha-cha pero sa ibang panahon nang sa gayon ay mapag-aralan pa ito nang maigi.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/cha-cha-nahaharap-sa-maling-timing-ayon-sa-ilang-metro-manila-ma

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.