Plastic straw at stirrers, ipagbabawal na

Inaprubahan na ang pagsama sa listahan ng non-environmentally acceptable products ang plastic straw at stirrer.

Sa loob ng isang taon, tuluyan nang ipagbabawal ang paggamit nito at magbabayad ang mahuling gumagamit pa rin nito.

Sabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, naisapinal na ang pagsasama ng dalawang plastic items sa ipagbabawal.

Ani Antiporda, “Eleven approved the resolution of the inclusion of plastic softdrinks straw and the plastic coffee stirrer into the list of the non-environmentally acceptable products. Ang nag “no” is ang DTI, second is the manufacturing and third is the recycling.”

Nilinaw niya na ang tinutukoy na straw ay ang ginagamit sa paginom ng softdrinks sa bote na kadalasang nasa sari-sari store at karinderya dahil ito ang pumasok sa kategorya ng single-use plastic. Itong klase na straw ay hindi na nagagamit ulit at diretsong tapon na lamang at kadalasang nakikitang palutang-lutang sa dagat.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/plastic-straw-at-stirrers-ipagbabawal-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.