Abong naka-sachet ipinamahagi ng isang parokya para sa Ash Wednesday

May naisip na paraan ang kura paroko ng St. Gabriel the Archangel Parish sa diocese ng Caloocan para makatanggap pa rin ng abo sa darating na Ash Wednesday ang mga hindi makakalabas ng bahay dahil sa pandemya.

Naghanda ang parokya ng mga naka-sachet na abong binasbasan na maaaring ilagay sa noo kasabay ng online mass na ipalalabas nang live sa Facebook page ng parokya.

Nakasaad sa paalalang kalakip ng abo na nakalagay sa maliit na supot para sa mga deboto, “Ito ay nagpapaalala na sa panahon ng Kuwaresma dapat tayong manalangin, mag-ayuno, maglimos, at muling magbalik-loob sa Panginoon.”

Ayon kay Rev. Fr. Adrian Magnait, kura paroko, bunga ng kanyang dasal at pagninilay ang ideya lalo’t nalulugkot siya na hindi makapunta sa simbahan ang mga tao dahil sa pandemya.

Ipinaalam ni Magnait ang ideya sa obispo ng diocese ng Calookan na si Bishop Pablo Virgilio David na nagkumpirma na ito’y maaaring gawin.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/diy-abong-naka-sachet-ipinamahagi-ng-isang-parokya-para-sa-ash-wednesday

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.