Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad, mas mahigpit na nakikipag-ugnayan sa daigdig

Ipinahayag nong Pebrero 8 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasabay ng pagpasok sa bagong yugto ng pag-unlad, tiyak na magiging mas mahigpit ang pangkabuhayang pag-uugnayan ng Tsina at buong daigdig.

Ayon sa ulat, ipinahayag noong Pebrero 5 ni Kristalina Georgieva, Managering Director ng International Monetary Fund, na ang Tsina ay tanging ekonomiya na isinakatuparan ang positibong paglaki ng kabuhayan sa buong daigdig noong 2020.

Aniya pa, ayon sa pagtaya ng IMF, lalaki ng 8.1% ang kabuhayang Tsino sa taong ito. Kaya magreresulta ito sa mas malakas na puwersang tagapagpasulong para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Ayon pa rin sa estadistika na mula sa United Nations Conference on Trade and Development, lumaki ng 4% ang direktang puhunang dayuhan sa Tsina noong 2020, at ang Tsina ay naging pinakamalaking recipient ng foreign direct investment.

Source: http://filipino.cri.cn/20210209/ac384523-5520-554a-d57a-4d956d1ba23c.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.