Dama ng mga guro ang problema sa attendance ng mga estudyante sa distance learning

Para sa mga guro, may problema sa class attendance at participation ngayong distance learning.

Sa panig ng Department of Education, wala namang maituturing na malaking bilang ng dropout batay sa assessment ng kanilang field offices.

Ani DepEd Secretary Leonor Briones, “Wala pa kami basehan na maka-conclude na mayroong massive dropouts.”

Sabi ni Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio: “‘Pag hindi pumasok, hindi nagpasa ng module [at] academic requirements, ay hanapin ni teacher ang mga bata, gawan ng paraan upang maibalik sila sa pag-aaral.”

Ani Basilio, “Kaya kung sa number po talaga, walang lalabas na number ngayon. Ang tanging maipapakita ng mga teachers ngayon ay ‘yong attendance sa loob ng kanilang online classes.”

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee, dapat i-assess ng DepEd kung talagang natututo ang mga kabataan sa distance learning.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/ilang-guro-dama-ang-problema-sa-attendance-ng-mga-estudyante-sa-distance-learning

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.