Cellphone na binili para sa online class, peke; delivery rider huli

Sulit na sana para sa waiter na si alyas “Tony” ang iPhone na nakita niyang ibinebenta ng isang seller sa Facebook.

Sa preysong 6,500 piso, mabibilhan na umano niya ng iPhone 11 ang 8 taong gulang niyang anak, na magagamit para sa online class nito.

Pero pagdating ng gadget, hindi naman ito magamit ni “Tony” dahil peke pala.

Ani “Tony,” “‘Di pa rin siya nagcha-charge hanggang sa uminit na ang phone…Tapos hindi na namin mabuksan.”

Nang i-chat ni “Tony” ang seller, na may pangalang Julie Hang sa Facebook, sinabihan lang siya nito na kalikutin ang cellphone at i-charge.

Matapos sabihin ni “Tony” na hindi ito umubra, hindi na siya sinagot ng seller at na-block pa sa Facebook.

Tinulungan si “Tony” ng mga pulis at isang kaibigan na mag-order ulit ng cellphone sa seller, na nauwi sa pagkakaaresto sa delivery rider na si alyas “Tom” sa Las Piñas.

Pero depensa ng private rider, isang linggo pa lang siyang nag-sideline para sa seller.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/cellphone-na-binili-para-sa-online-class-peke-delivery-rider-huli

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.