Imbestigasyon ng Coast Guard hinggil sa mga inanod na patay na baboy, inaantabayanan

Naghihintay pa ng resulta ng imbestigasyon ng Coast Guard ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro para mabatid kung sino ang responsable sa pagtatapon ng mga patay na baboy sa karagatang sakop ng probinsya.

Sabi ni Governor Humerlito Dolor na base sa imbestigasyon, isang shipping line ang umamin umanong may namatay na 127 na mga kargang baboy sa kanila pagdating sa harbor.

Aniya, “Up to now, there is no admission on how they disposed of it.”

Negatibo naman sa African Swine Fever ang 30 mga patay na baboy na natagpuang inanod sa mga bayan ng Pola at Naujan sa Oriental Mindoro, ayon sa gobernador.

Para sa kanya, mahalagang matingnan ang kakulangan sa pagpapatupad ng maritime laws. Nasa batas aniya na pwedeng magtapon sa high seas, o 100 kilometro ang layo mula sa landmass.

Nananatiling African Swine Fever-free ang Oriental Mindoro at mahigpit nilang pinangangalagaan ito.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/03/21/imbestigasyon-ng-coast-guard-hinggil-sa-mga-inanod-na-patay-na-baboy-inaantabayanan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.