Listahan, forms sa pagpapabakuna sa Marikina, Pasig inihahanda na

Inaayos na ng Marikina at Pasig ang mga listahan ng mga unang babakunahan sa kanila.

Ang Marikina, namahagi na ng form para sa mga prayoridad nang mabakunahan sa lungsod.

Sinabi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na nagkasa na rin sila ng simulation ng pagbabakuna katuwang ang pandemic task force at Department of Health.

Ani Teodoro, “‘Yung cold storage natin nakahanda na to receive the delivery of the vaccine. Yung mga profiler na-train na, yung vaccinators na-train na.”

Ang lokal na pamahalaan naman ng Pasig, inaayos na ang listahan ng mga unang babakunahan, ani Pasig City Mayor Vico Sotto. Partikular na rito ang mga health care frontliner.

Nagsimula na rin aniya ang kanilang text blast sa mga residenteng nakarehistro sa contact tracing platform nila na Pasig Pass para makatanggap ng update.

Kabilang na rito ang magiging schedule sa itinakdang 15 vaccination centers sa lungsod.

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/02/03/21/listahan-forms-sa-pagpapabakuna-sa-marikina-pasig-inihahanda-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.