May darating na vaccine ngayong buwan

Inaasahan darating ngayong buwan ang bahagi ng 5.5 hanggang 9.2 million doses ng bakuna mula AstraZeneca para sa Pilipinas sa unang hati ng taon, sa ilalim ng COVAX Facility.

Ani Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pwede naman itong gamitin para sa mga vaccinator at iba pang health worker.

Dagdag niya, “I-limit muna sa major areas so we can handle it perfectly.”

Paalala ni Galvez sa mga lokal na pamahalaan, ihanda na ang cold storage at tiyaking professional ang handling ng mga bakuna para maiwasan ang wastage o pagka-panis, tulad ng naranasan sa ilang bansa.

Dagdag ni Galvez, “Mayroon nakatutok talaga na special task group na doon lang nakatutok sa COVID-19 vaccine.”

Mainam din umano kung may 30 porsyento na reserve sa listahan ng mga babakunahan kada araw, sakaling hindi dumating ang mga nasa priority list.

Aniya, “Pag tinanggal sa warehouse ‘yan hindi na puwedeng ibalik ‘yan.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/health-workers-sa-covid-19-referral-hospitals-prayoridad-sa-bakunang-gawa-ng-pfizer

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.