Saliva COVID-19 test isusulong sa mga mall

Balak ng Philippine Red Cross na magsagawa ng COVID-19 saliva tests sa mga pangunahing mall.

Ani Dr. Paulyn Ubial, head ng Molecular Laboratory ng PRC, “Iilang mga malalaking malls, nakipag-ugnayan na rin sa Philippine Red Cross, magiging available na rin po ang saliva RT-PCR.”

Aniya, mas maraming tao ang makakukuha ng serbisyo na mas mura kaysa sa swab test na nagkakahalaga lamang ng 2,000 piso.

Saad pa nito, “Mas mura ang saliva test ng 60% kumpara sa swab test… Mas ligtas din ang saliva test para sa mga nangongolekta ng samples.”Lahad ni Ubial, “

Ang paraang gagawin sa labas ng malls po, sa labas ng parking lot nila, parang drive-thru. Nasa loob lang kayo ng kotse, bigyan kayo ng sample kit, doon po kayo dudura, then iaabot niyo sa sample collector. Hindi na po kailangan lumabas ng kotse.”

Nagsimulang tumanggap ang PRC ng saliva test sa mga tanggapan nito sa Mandaluyong City at Port Area, Manila.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/01/2074431/saliva-covid-19-test-isusulong-sa-mga-mall

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.