Barangay na malaya sa impluwensiya ng NPA bibigyan ng P20 milyong pondo

Sa ilalim ng Barangay Development Program ay tatanggap ng tig 20 milyong piso ng pondo ang bawat 822 barangays na malaya na sa implu­wensiya ng New People’s Army.

Ito ang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon at walang katotohanan ang pahayag ni CPP-NPA spokesman Marco Valbuena na ang 20 milyong piso ay paghahatian lamang ng 215 barangay o 93,000 piso lamang ang matatanggap ng bawat barangay.

Unang inihayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na aabot sa 822 barangay ang mapapabilang sa BDP,  ang flagship project ng administrasyong Duterte.

Sa 2021, inaprubahan ang pondong 16.4 billion piso para sa programa na ang layunin ay bigyan ng mabuting buhay ang mga 822 barangay na malaya na sa banta ng rebelyon.

Nilagdaan ni Budget Secretary Wendel Avisado ang circular na magsisilbing guidelines sa pagpapalabas ng local government support.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/02/2074686/barangay-na-malaya-sa-impluwensiya-ng-npa-bibigyan-ng-p20-milyong-pondo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.