Health workers sa COVID-19 referral hospitals, prayoridad sa bakunang gawa ng Pfizer

Prayoridad sa unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccines na darating sa Pilipinas ang mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila, Cebu City, at Davao City.

Ito ang sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr. Aniya, 117,000 lang na doses ng Pfizer vaccine ang inaasahang unang darating sa bansa kalagitnaan ng Pebrero, sa pamamagitan ng COVAX Facility ng World Health Organization.

Pero ayon kay Galvez, sapat na ito para sa mga health worker sa COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila na nasa 56,000 ang bilang. May sobra pa na maaaring ibahagi sa health workers sa Cebu City at Davao City.

Kasama sa priority hospitals ang Philippine General Hospital sa Maynila, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan, at Lung Center of the Philippines at East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Ani Galvez, “Yung Pfizer kasi mataas ‘yung kaniyang efficacy maganda po ‘yun sa healthcare workers.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/health-workers-sa-covid-19-referral-hospitals-prayoridad-sa-bakunang-gawa-ng-pfizer

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.