Transaksiyon sa gobyerno pabilisin, cedula punitin

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Albay Representative Joey Salceda, na naglalayong baguhin, gawing simple at pabilisin ang sistema ng transaksiyon sa gobyerno gaya ng pagre­histro ng negosyo, na dapat matapos sa loob ng isang araw lamang, na magpapabilis din ng serbisyo nito sa mga mamamayan.

Sa panukala ni Salceda na pinamagatang ‘Government Services Modernization Bill,’ babaguhin at gagawing simple ang mga preseso ng pamahalaan, gaya ng pag-alis ng ‘Community Tax Certificate’ o ‘cedula’ na “napakatagal kunin ngunit wala namang katuturan.”

Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihen ang ‘cedula’ sa mga transaksiyon dahil “napatunayan na itong walang silbi sa maraming pagkakataon,” at alisin ang patung-patong sa mga otorisasyon at permiso sa loob ng Ehikutibong Sangay at magkaroon ng isang ‘comprehensive National Identification for Businesses’ na lamang.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/02/2074697/transaksiyon-sa-gobyerno-pabilisin-cedula-punitin

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.