Premiyer na Tsino, nakipagtagpo sa mga dalubhasang dayuhang nagtatrabaho sa Tsina

Nakipagtagpo noong Pebrero 2 sa Great Hall of the People si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawan ng dalubhasang dayuhang nagtatrabaho sa Tsina.

Sa talakayan, ibinahagi ng mga dalubhasa mula sa Amerika, Italy, Singapore, Nepal, Britanya, Pransya at ibang bansa ang kanilang kuru-kuro hinggil sa kabuhayang Tsino, pananalapi, agham  at teknolohiya, pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, edukasyon, inobasyon, pangangalaga sa kapaligiran at iba pang isyu.

Sa kanyang talumpati sa talakayan, binigyan-diin ni Li na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, ang Tsina ay mayroong napakalaking potensyal ng pamilihan. Aniya, lalo pang pasusulungin ng pamahalaang Tsino ang pagbubukas sa labas, at umaasang mas maraming dalubhasang dayuhan ang magtatrabaho sa Tsina.

Dagdag niya, walang humpay na pabubutihin ng Tsina ang sistema para ipagkaloob ang mas maraming ginhawa para sa mga dalubhasang dayuhan sa Tsina.

Source: http://filipino.cri.cn/20210203/55267e78-6cea-5d13-1104-b7fb65936957.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.