Pinas No.1 sa paggamit ng social media

Nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa paggamit ng internet at social media sa haba ng oras na ginugugol ng mga Pilipino bawat araw.

Sa Digital 2021 report ng creative agency na “We Are Social” at social media management platform na “Hootsuite,” tumatagal ng halos 11-oras na average ang mga Pilipino sa internet.

Tumaas ito kumpara sa Digital 2020’s average na 9 oras at 45 minuto. Higit ding mas mataas ito sa global average para sa internet usage halos pitong oras.

Sa 11 oras na paggamit sa internet ng mga Pinoy, apat naman na oras dito ay nakatutok sa iba’t ibang social media platforms. Mataas ito kumpara sa global average para sa social media usage na dalawang oras at 25 minuto.

Dahil dito, tumaas din sa 80 porsyento ang “e-commerce adoption” ng Pilipinas kumpara sa 76% noong isang taon. Nangangahulugan ito na mas marami ngayong mga Pilipinong netizen ang sangkot sa mga negosyo at trabaho gamit ang internet.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/02/2074699/pinas-no1-sa-paggamit-ng-social-media

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.