Ilang guro dama ang problema sa attendance ng mga estudyante sa distance learning

Sa 3 dekadang pagiging guro ni Rolando Reyes Jr., ngayong pandemya lang niya naranasan ang mas mababa pa sa kalahati sa kabuuang bilang ng kaniyang estudyante ang pumapasok sa klase.

Kuwento ni Reyes, “Ang klase ko kanina umabot sa 12… [pero] 56 (lahat ng estudyante).” Kabilang umano sa mga dahilan kung bakit hindi nakakasama sa online class ang mga estudyante ay problema sa internet connectivity.

Ani Reyes, “Hindi rin natin masasabi kung ‘yong bata may load o wala. Beyond our control na.”

Nasa 26 out of 52 students naman ang pumasok sa klase ni Barbara Jardeleza, na aniya’y improvement na kumpara sa attendance noong Nobyembre at Disyembre.

Ani Jardaleza, “Talagang walang load ‘yong ibang bata…Yong iba naman dead spot ‘yong area nila. Ibig sabihin, talagang hirap sila na makakuha ng signal. Nale-late sa klase ‘yong iba, siguro na rin dahil marami silang gawain din sa bahay.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/02/21/ilang-guro-dama-ang-problema-sa-attendance-ng-mga-estudyante-sa-distance-learning

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.