Pagkain ng lumpia, kaugalian sa Li Chun

Sa pagdating ng Li Chun o “Simula ng Tagsibol” sa Tsina ngayong buwan ng Pebrero, idinaraos din ang ibat-ibang selebrasyon upang salubungin ang bagong bukas na puno ng pag-asa.

Sa araw ng pagpasok ng Li Chun, nakagawian na ng mga Tsino, na kumakain ng spring pancake, lumpiang gulay at karne o spring roll, at carrot o radish, upang ipagdiwang ang simula ng tagsibol at ipahayag ang kanilang masaganang hangarin para sa buong taon na hinaharap.

Ang lumpia o Chun Juan sa wikang Tsino ay pareho ng lumpia sa Pilipinas – may lumpiang sariwa at mayroon ding lumpiang prito.

Pero ang spring pancake o Chun Bing sa wikang Tsino na madalas na kinakain ng mga taga-hilagang Tsina ay medyo iba sa Chun Juan.

Malimit na mas makapal ang pabalat nito kaysa sa Chun Juan, at pinalalamnan ng ginisang toge, Chinese chives, itlog, at iba pang gulay na akma sa gusto ng nagluluto at kakain.

Source: http://filipino.cri.cn/20210203/ba00ae6e-f8b2-263f-2243-5517e1995c20.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.