Dobleng face mask ‘di pa inirerekomenda

Bagama’t ipinapanukala ng ilang medical experts ang paggamit ng dobleng face mask bilang proteksyon sa bagong variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakahahawa, hindi pa ito inirerekomenda ng Department of Health.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pa silang nakikitang ebidensya na ang pagsusuot ng dobleng face mask ay kinakailangan sa kasalukuyan bilang panlaban sa bagong COVID-19 variants.

Ani Vergeire, “Sa ngayon po hindi naman natin nakikita pa na ang ebidensiyang ‘yan ay sukat na at sapat na para magsabi na kailangan natin ‘yan. So ito pong double facemasks ay wala po hong sapat na ebidensiya para irekomenda natin para sa ating mga kababayan.”

Sabi ni Vegierie na sa ngayon, maaari nang makakuha ng 99% protection ang kung palaging magsusuot ng isang face mask na magbibigay ng proteksyon ng 60% at patungan ng face shield at kasabay ng praktis sa social distancing.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/01/31/2074281/dobleng-face-mask-di-pa-inirerekomenda

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.