6 anyos na babae ginahasa, pinatay sa Batangas; suspek tiklo

Patay ang isang 6 anyos na babae matapos gahasain at patayin ng isang 23-anyos na lalaking construction worker sa bayan ng Bauan, Batangas.

Kuwento ng ina ng biktima, wala na sa bahay ang anak nang umuwi siya mula sa pagititinda sa palengke noong Enero 24.

Ginalugad ng mga pulis at mga kabarangay ang kagubatan malapit sa kanila pero bigo nilang makita ang bata. Pero nitong Enero29, natagpuang naaagnas na ang bangkay ng bata sa gubat, hubo’t hubad at nakagapos.

Ani Bauan Police chief Karlos Lanuza, “‘Yung damit po ng bata…yun po ang pinantali sa kamay at paa niya. Initially sabi ng medico-legal officer ng Batangas, may palatandaan ng panggagahasa. ‘Yung damit po ng bata ang pinagsakal sa kanya.”

Nanggagalaiti ang ina ng bata sa sinapit ng kaniyang anak. Aniya, “Napakasakit kasi nawala na lang bigla ang anak ko hindi ko naman akalain na iyan ang mangyayari sa kanya.”

Barkada pa ng kapatid at pinsan ng biktima and suspek.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/01/30/21/6-anyos-na-babae-ginahasa-pinatay-sa-batangas-suspek-tiklo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.